Programang Pag-recall at Pagpalit ng Baterya ng HP Notebook Computer at Mobile Workstation para sa Kaligtasan
Impormasyon Tungkol sa Battery Safety Mode / BIOS Update
Ang HP ay naglabas ng BIOS update noong Agosto 2019 kung saan kasama ang mga bateryang idinagdag ng pagpapalawig ng programa. Inilalagay ng na-update na BIOS ang baterya sa Battery Safety Mode nang sa gayon ay ligtas na magagamit ang notebook o workstation nang wala ang baterya sa pamamagitan ng pagkonekta sa isang HP power adaptor. Ang mga bateryang apektado ng pag-recall na ito ay dapat ilagay kaagad sa Battery Safety Mode.
Naaangkop lamang ang Battery Safety Mode sa mga produkto ng HP na apektado ng pag-recall na ito. Kapag natukoy ng proseso ng pag-validate na kwalipikado ang isang baterya para mapalitan, dapat ipatupad ang BIOS update at dapat i-reboot ang system. Sa panahon ng proseso ng pag-reboot, ipapakita ang opsyong paganahin ang Battery Safety Mode. Ang pagtanggap sa Battery Safety Mode ang magpapa-discharge sa baterya at magpapatigil sa pag-charge sa hinaharap hanggang sa ma-disable ang Battery Safety Mode. Mariing inirerekomenda ng HP ang pagtanggap sa Battery Safety Mode nang sa gayon ay maaaring gamitin ang notebook o mobile workstation nang ligtas sa pamamagitan ng pagkonekta sa isang HP power adaptor.
Piliin ang HP Software at Driver Download Page sa ibaba. Ilagay ang pangalan ng inyong produkto, tapos i-scroll pababa patungo sa seksyon ng BIOS at piliin ang + na sign. I-download ang pinakabagong HP Notebook System BIOS Update tpagkatapos ay i-install.
Mga Pahina ng Pag-download ng HP Software at Driver
*Kabilang sa mga produktong tugma sa, ngunit hindi ipinadala kasama ng, mga apektadong baterya ang HP ProBook 4xx G5 (430, 440, 450, 455, 470), HP ENVY 15, at HP Mobile Thin Clients (mt21, mt22, at mt31).
**Pakipili upang makita ang mga tagubilin sa PDF na para lamang sa mga HP 11 Notebook PC.
Ang mga sumusunod na tagubilin ay naaangkop sa lahat ng mga apektadong produkto maliban sa HP 11 Notebook PC.
1. Kapag nakumpleto ang iyong pag-install, sundin ang mga tagubilin upang i-restart ang iyong computer.
2. Pagkatapos na mag-reboot ng iyong computer, makikita mo ang screen sa ibaba – kakailanganin mong tanggapin ang Battery Safety Mode.
3. Pagkatapos na matanggap ang Battery Safety Mode, magiging itim ang iyong screen at kukutitap nang hanggang 30 segundo ang power LED habang nagre-restart ang yunit. Kapag nakita nang higit sa 30 segundo ang itim na screen at kumukutitap na LED, dapat mong pindutin nang 20 segundo ang power button at huminto sa pagpindot dito para sa ganap na pag-shutdown at power-up.
4. Kakailanganin mong gamitin ang iyong HP Power Adapter pagkatapos tanggapin ang Battery Safety Mode.
5. Kapag na-install na ang iyong bagong baterya at nag-restart na ang system, matutukoy ng BIOS ang iyong bagong baterya at idi-disable nito ang battery safety mode, mapapagana na ang iyong notebook gamit ang pamalit na baterya.
